"In societies where Robbing Hoods are treated like a celebrity it is but natural to expect political parties to act like a Mafia syndicate" Political Jaywalker "In a nation where corruption is endemic people tend to confuse due process with aiding and abetting criminals" Political Jaywalker "War doesn't determine who is right, war determines who is left" Bertrand Russell "You have just one flash flood of money, you keep your people poor. It's like a time bomb and it's scary" Philippine Lawmaker

Ano ang aking pamasko?

ni: Among Ed Panlilio

Sadyang napakalaki ng gastos ng mga trapo sa Paskong ito bilang paghahanda nila sa dara­ting na halalan sa Mayo 2010. Pinapatawag nila ang mga kapitan, barangay tanod, barangay health workers, senior citizens, konsehal at mga mayor at binibigyan nila ng pera, bigas o hamon.
Tuwang tuwa naman ang ating mga kababayan sa kanilang tinanggap na pamasko. Kahit papaano mayroon silang pang noche buena o pantustos sa marami nilang gastusin.?Nakakatakot nga lang ang sitwasyon na kung maupo ang mga trapong ito pagkatapos ng eleksiyon. Mas tiyak pa sa pagsikat ng araw kinaumagahan, ang lahat ng mga ito ay babawiin sa yaman ng bayan.?Mayroon pa nga silang dahilan na maging tiwali sapagkat ganyan naman daw talaga ang kalakaran sa ating bansa sa larangan ng pulitika.

Nagkakaroon ako tuloy ng pag-iisip. Sabi nga nila, kaya mo lang ibigay kung ano ang nasasaiyo. Hindi ka nga naman makapagbibigay ng isang bagay na wala ka. Bilang lingkod po ng aming probinsiya at sapagkat hindi naman ako mayaman, wala akong pamaskong pera, bigas at hamon para sa aming mga kababayan. Kaya, ano naman ang aking pamasko sa Pampanga?

Ang aking handog sa mga Kapampangan sa Paskong ito ay ang halos dalawa at kalahating taong paninilbihan sa probinsiya. Ito po ay paninilbihan ng buong katapatan, na may kaayusan, kahusayan at kalinisan. Ibinalik natin sa kapitolyo ang marangal na panunungkulan. Inalis natin ang katiwalian sa pangongolekta ng kita sa quarry, tinanggal ang komisyon sa paggawa ng mga inprastraktura at bi nura natin ang SOP sa pambili o procurement sa mga iba’t ibang kagamitan.

Sa pamamagitan nito, mas dumami ang serbisyo na ating naipaaabot sa ating mga kababayan tulad ng mga kalsadang napagawa, napaganda ang sampung ospital ng probinsiya, napagara natin ang Arnedo Park sa tapat ng kapitolyo, mas malimit at marami ang mga maralitang kababayan ang napaabutan ng tulong galing sa liblib na barangay, mas napahusay natin ang suporta sa marami nating maliliit na negosyante. Nabigyan ng pansin at pagkalinga ang ating mga kababayan na katutubo, mga taong may kapansanan, mga batang nagdurusa sa malnutrisyon, senior citizens, kababaihan at kabataan.

Sa isang salita, ang aking naging pamasko ay hindi isahan o panandalian.

Naging tuluy-tuloy at mas makahulugan pala ito. Ito rin po ay naging sama-samang pagkilos. Sa pamamagitan ng aming, pinagkaisang sipag at direksiyon ng paglilingkod, mas naging epektibo at mabunga ang aming ginawa. Mas higit pa sa mga materyal na pinagkaloob, nakapag-alay kami ng pag lilingkod na galing sa puso at sa kalooban.

Ito pong nagampanan namin sa kapitolyo ng Pampanga ay malapit sa naging pamasko ng ating Panginoon na si Hesus. Wala po siyang kayamanang pinagkaloob. Ngunit ang handog niya ay ang kanyang sarili na punung-puno ng pagmamahal.

Siya nawa ang inyong pagpapala sa Paskong ito.

Subscribe in a reader
Pedestrian Observer Group Blog
Click on the images to receive your free email updates
POGB will not sell, exchange, use or allow any 3rd party access to your email for
any other purposes without exception, email exclusively for article updates only.



0 Speak Out:

Related Posts with Thumbnails