Kaya Natin on Harvey Keh's Corona Impeachment Trial Testimony

Ang Kaya Natin ay isang volunteer movement for Good Governance and Ethical Leadership na itinatag noon pang July 2008. Kami ay naglalayong umalalay sa mga ‘elected officials tungo sa mahusay na pamumuno.
Ang samahang ito ay nakikipagtulungan kapwa sa pribadong sektor at sa pamahalaan para isulong ang ‘basic services’ para sa mamamayan.
Ang Kaya Natin ay itinatag nina:
Jesse Robredo: Ramon Magsaysay Awardee for Government Service 2000
Grace Padaca: Ramon Magsaysay Awardee for Government Service 2008
Fr. Ed Panlilio: Pari at dating Gobernador
Silang mga founders o nagtatag ng Kaya Natin, kasama ang mga miyembro ng samahan, ay sumusuporta sa hakbang ni Harvey na ilantad kung ano ang totoo.
Maaring nagkaroon ng kakulangan o pagkakamali sa paraan ng pagsumite ni Harvey ng mga impormasyon, pero ang kabuuan ng samahang Kaya Natin ay walang alinlangan sa kabutihan ng kaniyang intensyon at ito ay para tumulong sa pagpapalabas ng katotohanan.
Si Harvey ay humarap sa Senado dahil sa mismong kagustuhan ng mga abogado ni CJ Corona na siya ay sumagot sa kanilang mga katanungan. Hindi niya inalok ang kaniyang sarili para tumestigo. Dinala niya ang mga dokumento sa tanggapan ni Senate President Juan Ponce Enrile para ang impeachment court ang magpasya kung ano ang dapat gawin sa mga ito.
Kasama ang sambayanan ay susubaybayan namin ang pagharap ni CJ Corona sa Senado simula Mayo 22, 2012. Nagagalak kami sa pag-aksyon ng Senado para sa personal na pagbibigay linaw ng Chief Justice sa mga paratang sa kaniya.
Ang Kaya Natin ay patuloy na maninindigan sa katotohanan, sa mahusay na pamumuno at marangal na pamamalakad ng ating pamahalaan.

any other purposes without exception, email exclusively for article updates only.