"In societies where Robbing Hoods are treated like a celebrity it is but natural to expect political parties to act like a Mafia syndicate" Political Jaywalker "In a nation where corruption is endemic people tend to confuse due process with aiding and abetting criminals" Political Jaywalker "War doesn't determine who is right, war determines who is left" Bertrand Russell "You have just one flash flood of money, you keep your people poor. It's like a time bomb and it's scary" Philippine Lawmaker

Orasyon ng Bayang Tigib sa Kalungkutan.

Orasyon ng Bayang Tigib sa Kalungkutan.
(Recuerdo para los desaparicidos)


Ama naming sumasalangit ka,
Busilak ang dating ng bagong liwanag sa dakong Silangan.
Ang mga ibon sa himpapawid ay masayang nagliliparan
Parang may pagbabadya sa layang, boung pusong inaalagaan.
Sambahin ang ngalan mo.
Matahimik ang buong sakahan sa kabataan ng umagang kasisilang. Dilig sa hamog ang liwanag na bagong silang, mistulang bituin sila, Sa mga dahong nagsisipagundayan sa ihip ng hangin sa kapaligiran,
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sa isang dampa, isang matanda ang napadungaw sa kanyang bintana, Mata’y pakisap-kisap, habang inaaninag ang umagang bagong silang . Wari ba’y may minamatyagan, mga mata niyang laon sa kahirapan.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit.
Salat siyang masasabi kung pinagaralan ang siyang paguusapan. Isang dukha lang sa buhay kung maturingan, yaong abang matanda, Subalit di siya nakalimot sa alam ng lahat, karaniwan o pantas man,
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
Sa isang sabsaban iniluwal ang sanggol na sasakop sa sangkatauhan! Ito ang hiwaga ng banal na bata, ayon sa panata ng mga henyo at madla, Dapat lang ipagsaya, kahit sa gunita, itong oras ng kanyang kapaskohan.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Bagamat tuyo ang lalamunan at mahapdi ang tiyan, Bakas pa rin ang siglang nagwika sa sarili: “ Pasko na naman ”. Sabay ngiting di iniwasan, sa puso’y naghari ang katiwasayan.
Tulad ng pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin.
Ngunit ang paslit na kaligayahan ng matanda’y dagling napalitan Ng basagin ng nakaririnding putukan katahimikang bagong silang. Pagambang di maparam ang bumalot sa pusong nagulantangan.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
Hinde ba’t araw ito ng Dakilang Sanggol ng kapayapaan? Naitanong ng matanda sa sarili at tuluyang di namalayan, Mga maiinit na tingang bumasag sa kanyang buong katawan!
At iadya mo kami sa lahat na masama.
Sa Pilipinas, bata ka man o matanda, hinde sapat na ikaw ay tao o tama, Kung maralita ka o mahina , kapalaran mo’y sa dulo ng bala nakasangla. Ito ang koro ng nagdadalamhating sinilangan sa oras na ito ng kabanalan. .
Amen.

Subscribe in a reader
Pedestrian Observer Group Blog
Click on the images to receive your free email updates
POGB will not sell, exchange, use or allow any 3rd party access to your email for
any other purposes without exception, email exclusively for article updates only.

Facebook me!



1 Speak Out:

Anonymous said...

Thanks for the birthday greeting, PJ! Hehe could not open my facebook account. Once again, thanks! =)

Related Posts with Thumbnails