"In societies where Robbing Hoods are treated like a celebrity it is but natural to expect political parties to act like a Mafia syndicate" Political Jaywalker "In a nation where corruption is endemic people tend to confuse due process with aiding and abetting criminals" Political Jaywalker "War doesn't determine who is right, war determines who is left" Bertrand Russell "You have just one flash flood of money, you keep your people poor. It's like a time bomb and it's scary" Philippine Lawmaker

Miguel Zubiri and the seven electoral thieves!

Migz it’s time to go! Alis dyan!

Mahiya ka naman pare!

Ninakaw mo na ang tatlong taon ng termino ni KOKO Pimentel bilang senador! Ngayon tutuluyan mo pa at nanakawin mo pa rin and natitirang tatlong taon.

Kapal Muks ka talaga!

Tapos sasabihin mo yong mga mani-ubra mo para kumapit tuko dyan sa ninakaw mong puwesto walang kinalaman sa mga boto sa protesta mo ng mga ka-alyado mong senador sa senate president contest. Ano kami uto-uto!

Ito namang si Angara pa class pa! Sign of desperation daw ni Koko at sinasabing walang kinalaman ang pagiging ka-alyado niya sa pekeng senador na si Migz yong boto niya to give due course and continuance to the counter protest of Zubiri. Kung ganoon pala – ano ngayon ang basi mo sa boto mo tungkol sa pagpatuloy ng kontra-protesta ni Migz ha ! Maginoong Senador? Paki-explain nga sa taong bayan! At sabihin mo sa mga iba pang kasabay mong bumoto para matuloy ang kontra-protesta ni Migz kung ano ang katuwiran nila sa boto nila tungkol sa protestang ito. Ang tinutukoy ko ay sila Lapid, Legarda, si Gordon, at si Pangilinan na para bagang nawala sa sariling bait ng sabayan ang boto mo. Di bale na si Lapid medyo madaling maunawaan yong boto niya (madilim kasi ang paningin niyan lalo na pag napuwing ng Lahar) – pero itong si Legarda na galing palang sa kampanya ng Pagbabago kuno – medyo mahirap tanggapin na talagang madam butterfly nga pala siya. Lalo na si Gordon na mainit na kumampanya sa ideya niyang Bagumbayan kuno at saka ganito lang pala – kinuranahan niya ng maka-taeng (hind maka-tao) desisyon ang panghuling buwan niya bilang senador ng bayan. At itong si Pangilinan naman na nag-aambisyon na maging presidente ng Senado lumabas talaga ang pagka-oportunista niya. Sa ginawang ito ni Kiko muling na-ungkat sa ala-ala ng bayan ang pagka Mister Noted ( noted siya ng noted habang dinadaya nila sa canvass si FPJ noong 2004 garci –elections) niya at ang mabuti nyan palitan na lang nya ang pangalan niya as in Senator Cuneta para ma-ala-ala niya palagi na talagang si Sharon lang ang dahilan kaya siya nahalal. You don’t deserve to be the Senate President Mr. Kiko. Sa desisyong ginawa ni hindi ka nga deserving na manatiling senador – Senate President pa. Puwee! Bagay sa iyo maglunoy na lang sa kankungan ng Kasaysayan.

Sa mga Senador na na-upo sa Senate Electoral Tribunal tanging si Senadora Pia Cayetano lamang ang nagpakita ng likas na Kagitingan at sinusugan ang dissenting at desenting opinion ni Justice Carpio na dapat ibasura na ang kontra-protesta ni Migz Zubiri at ideklara na si Senador Koko Pimentel bilang totoong panalo ng nakaraang 2007 election.

Pag ang chairman ng isang lupon ay hindi sumang-ayon sa desisyong isinagawa asahan ninyo na kadalasan nay nangyaring kabulokan sa desisyong iyan. Biro mo – chairman ng SET siya pa ang nag-dissenting opinion. Ngayon Bayan alamin natin kung bakit gustong ibasura na ni Justice Carpio ang kontra-protesta ni Migz.

Noon pamang 2008 alam na ng SET na ang totoong nanalo noong 2007 senate election ay si Koko at hindi si Migz Zubiri. Kaya lang inilusot yan si Migzs ay dahil sa ka-alyado niya si GMA (and rumor current flavor daw siya ni GMA noong time na yon ) at yong mga Ampatuan (massacre boys) sa Mindanao ang naatasan na idaya si Migz upang manalo at ilaglag si Pimentel. Walang taros at garapal and pandarayang ginawa at pinatay pa nga ang maginoong Musa Dumasidsing isang eleksyon supervisor na isinigaw ang pandarayang nangyayari para lamang mailusot si Migz.

Noong May 2007, si Koko Pimentel ay nag-file ng motion sa Commission on Elections para mahinto ang mga pandarayang ito sa Maguindanao . Ngunit ibinasura ito ng Comelec ni NBN-ZTE ABALOS. Basi sa madayang bilang sa Maguindanao nabigyan si Zubiri ng 195,000 na boto na halos ay 95 percent ng 205,000 votes sa buong Maguindanao at sinasabing ito ay isang statistical improbability. Nang Umapela si Koko sa Supreme Court, sinusugan naman nito and Comelec. Matindi talaga ang asim noong may crush kay Zubiri kaya sunod sunoran ang mga justices sa Supreme Court.

Sa ganoong paraan nalamangan si Koko ng 18,000 na Boto ni Migz at dali daling ipronoklama naman siya ni dating komelec commissioner na si (NBN-ZTE may 200 ka rito ) ABALOS. Nangyari ang madaliang proklamasyon na ito pagkatapos na maibunyag sa mga malawakang pahayagan na nag-dinner diumano itong si Abalos at ang tatay ni Migz sa isang malaking restaurant sa metro-manila.

Walang nagawa si Koko Pimentel kung hindi dalhin ang hinaing niya sa Senate Electoral Tribunal (SET). Iprinotesta niya ang 2,658 precincts sa Maguindanao Lanao del Norte and Sur, Shariff Kabunsuan, Sultan Kudarat, Sulu at Basilan. Karamihan sa mga lugar na ito ay kontrolado ng mga Ampatuan massacre boys. Noong July 2008, pagkatapos na bilangin ang 25 porsyento sa mga prinotestang presinto ni Koko sinabi ng SET na solid ang ebidensya na may dayaan ngang nangyari noong 2007 na sapat upang mabago ang resulta ng senate election. May sinasabing Rule 79 ang SET na bago ipagpatuloy ang kabu-oan ng isang protesta aalamin muna sa 25 porsyento ng mga sangkot na presinto ang totoong bilang upang mapag-alaman kung talaga ngang may nangyaring dayaan. Ipinapaubaya ng SET sa nag-proprotestang kandidato ang pagpili kung aling mga presinto ang isasali sa unang bibilangin. Kaya batay sa resulta ng 25 percent count sa mga protestang presinto ni Koko ipinagpatuloy ng SET ang recount sa natitirang 75 porsyento. Dito nakita talagang lamang si Koko ng humigit kumulang na 300,000 votes sa kay Zubiri.

Ngunit hindi natapos and usapin dito kasi nag counter protest itong si Migz. Humingi siya ng recount sa mahigit na 73,000 presinto sa buong bansa na halos ay one third ng lahat ng polling precincts noong 2007 elections. Irineklamo ni Zubiri na siya ay dinaya sa mga presintong ito na nagkalat sa buong Bansa. Kung papaano magagawa ni Koko Pimentel ang pandarayang ito na noon ay isang kandidato ng opposition kasabay ni Noynoy Aquino , Sonny Trillanes, at ni Francis Escudero ay hindi ipinaliwanag ni Zubiri

Kung ihahambing ang kontra-protesta ni Migz sa protesta ni Koko ang sangkot na presinto sa bilang na 2,658 ay hindi nga umabot sa 2 percent ng kabuoang bilang ng lahat ng manga presinto noong 2007 elections. Talagang makapal ang pahid at halatang pinapatagal lang ni Migz and usapin upang kumapit tuko siya sa puwestong nararapat na okupahin ni Koko Pimentel.

Bagamat mabigat sa kanyang kalooban nagpakita si Koko ng ‘grace under pressure’ at mahinahon niyang pinursugi ang pag-kontra sa counter protest ni Migz. Ayon sa Rule 79 binilang muna ang mga boto sa 25 porsyento ng 73,000 precincts na isinangkot ni Migz sa kanyang protesta . Ang rule 79 ay isinagawa ng SET upang mabisto kaagad ang mga walang kuwentang protesta kahit hindi na bilangin ang natitira pang 75 porsyento ng mga sangkot na presinto. Kung ating bigyan ng masusing atensyon ang 25 porsyento ng 73,000 precincts ay humigit kumulang na uma-abot sa mga 18,000 precincts. Ang 25 percent sample na ito ay lampas nang pang-anim na ulit sa lahat ng presintong prinotesta ni Koko. Habang kumuha si Koko ng lamang na 257,000 votes sa kanyang 2,658 precincts ang nakuhang vote gain ni Migz pagkatapos mabilang ang kanyang 18,000 precincts ay kakarampot na 12,000 votes lamang. Batay dito ni hindi man lamang siya naka abot ng vote gain na isang boto sa bawat 18,000 precincts na pinabuksan niya. Kaya kung ipagpatuloy ang bilang sa natitirang 55,000 precincts na isinangkot ni Migz sa kanyang counter-protest aabot lamang sa 46,000 ang lahat ng boto na maaring mai-dagdag sa kay Migz. Hindi ito sapat upang malampasan ang 257,000 vote gain ni Koko Pimentel kaya kitang kit rito na ang totoong panalong senador noong 2007 elections ay si Koko Pimentel at hindi si Migz Zubiri. Si Migz ay isang pekeng Senador at wala siyang karapatang manatili sa puwesto ni isang guhit ng isang saglit.

Subalit ang nakakarindi, at nakakasuklam, na ginawa ng mga magigiting daw na Senador ng Bayan na kabilang sa SET, bomoto sila noong June 4 na ipagpatuloy ang Kontra-protesta ni Migz Zubiri sa kabila ng katibayan na hindi rin mahahabol ni Migz ang boto ni Koko. Tanging si Pia Cayetano lamang ang sumabay kay Justice Carpio at bumotong ibasura na ang Kontra-protesta ni Migz. Namulitika itong si Kiko Panglinan at nangi-ngilid nga at sinabing meron daw siyang separate opinion (na wala naman) agree din daw siya in part sa dissent ni Justice Carpio pero ang suma boto rin siya na ipagpatuloy ang kontra-protesta ni Migz. Di bale na yong mga ibang justice kasi mga tuta naman yon ni GMA at kasama sila as ‘conspirators’ sa na-unang pagdaya kay Koko noong 2007 pero we the people expected much more from the Senators of the Realm.

Ngayon, hindi rin maaring tumahimik na lamang si Prez Noynoy sa naglalatang na poot ng bayan sa isyung. Kala ba natin hindi ‘Business as Usual’. Bakit ganito ang nangyayari? Sapat ba na makuha ng partido Liberal ang liderato ng Senado kapalit ng ipinapaglabang prinsipyo ng paangulohan ni Noynoy. Kung sino man ang maluklok na Senate President sa kadahilanang nakuha niya ang boto ni Migz Zubiri na isang pekeng Senador dapat niyang malaman na ang tingin ng bayan sa kanya ay isa ring pekeng Senate President. Di bale nang hindi makuha ng mga ka-alyado ni Noynoy and pangulohan ng Senado kung ang kapalit nito ay ang pag-benta muli ng bagong tiwala ng Bayan sa kay Noynoy sa altar ng kalakalan ng tradisyonal na pamumulitika. Dapat ngayon pa lang ay magka-alaman na. Kasama ni Noynoy Aquino na tumakbo sa oposisyon si Koko Pimentel – ganoon din si Sonny Trillanes. Kung may mga maga-an at makakabusog pusong pananalita si Prez Noynoy para kay Trillanes bakit tahimik siya sa pagdusta at pagsikil sa dating kasama niyang si Koko Pimentel.

Habang ma-aga mabuti pang mag ka-alaman na. Pagsasabihan ba ni Prez Noynoy ang mag ka-alyado niyang Senador na dapat ipaglaban ang mag mithi-ing isinabukambibig niya noong nakara-ang eleksyon sa lahat ng bagay pati na sa laban sa pagka-pangulo ng Senado o tatahimik na lang siya at magpapatay malisya habang patuloy ang transaksyonal na pamumulitika ng mag ka-alyado niya sa Senado.

Mabuti nga habang ma-aga magkabistuhan na!

Kiko – patay kang bata ka! Hindi ka na a-angat pag hindi ka huminto sa pagka –oportunista mo. Mababatukan ka ng asawa mo! Kahit anong sabihin mo –mas guwapo sa iyo si Gabby Concepcion!

Angara – tatandaan namin ang ginawa mo! Tarantado!

Legarda – mabuti nga hindi ka nanalo.

Gordon – isa ka pa! Magsama na kayo ni Legarda!

Lapid – oke lang idol nai-intidihan ka namin, ingles kasi at napakahaba ng mayoryang opinion at wala ka yatang nakuhang translator.

Pia Cayetano – mabuhay ka. Kung ganyan ba naman kahit ilang Cayetano pa iboboto namin sa Senado.

Justice Carpio – talagang kayo ang karapatdapat na Supreme Court Justice. Hanga kami sa iyo.

Sa mga iba diyang hindi nabanggit – magbago na kayo - baka matawag kayong gago!

Alalahanin ninyo mahal ang bayad ng air-conditioned na kuwarto sa Impyerno!

Sa kay Koko Pimentel – para sa iyo ang mga katagang ito. Ipagpatuloy mo ang tunay na laban. Kahit ano paman – ikaw ang natatanging totoong Senador ng bayan.

Migz! Alis dyan!
.


Lu Tong Mancao



Subscribe in a reader



Pedestrian Observer Group Blog
Click on the images to receive your free email updatesPOGB will not sell, exchange, use or allow any 3rd party access to your email for
any other purposes without exception, email exclusively for article updates only.
Follow PJ @ Facebook, NetworkedBlogs, & Twitter

3 Speak Out:

Juan said...

Maybe totoo ang sulat mo pero kaming mga taga Cagayan de Oro City ay sawa na rin sa mga Pemintel na yan mga mata pubre. Mula sa tatay at nanay puro mata pubre. Tumulong nga kami sa campaign minura pa kami. Pwee!!

Kung nadaya man sya ni Zubiri ok lang, wla kaming likramo sa taga Bukidnon na yan.

Merit said...

It may be true na may kakulangan sa pagpansin at nagkamali ang mga Pimentel sa pakikitungo SA YO subalit HINDE SAPAT NA DAHILAN ito NA MAGBULAGBULAGAN TAYONG FILIPINO SA PANDARAYANG NAGLUKLOK KAY ZUBIRI SA SENADO.

karapatang ng Filipino na ang mamuno sa kanila ay ang kanilang INIHALAL hinde ang ipinalabas na inihalal ng Comelec. Bilang isang senador, si Pimentel ay nakagayak na maging pinuno hinde lang ng mga sa Cagayan de oro o Bukidnon kundi ng lahat na Filipino, sa loob o labas ng bansa.

Ang Pinoy na pumapayag na umiral ang kasinugalingan, maka-bawi man lang sa isang masakit na nakaraan ay walang karapatan sa katotohanan o ano mang dahilang makabawi,at nararapat lang na mapadaan, sa isang masakit na nakaraan.

fidel_umaga said...

Malaking hamon kay Pangulong Noynoy ang mga nangyayari dito sa senado.

Ayon sa kanyang panata noong nakaraang eleksion - KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP. Tumpak ang sinabi mo Pangulong Noynoy at ito ay isang maliwanag na babala sa lahat ng mamayan sa pilipinas, pribado man o nasa gobierno, na hinde na palalampasin ng pamahalaan ni Pangulong Noynoy ang mga gawaing ito.

At papaano naman kaya masasabi NATIN na ang isang taong gobierno ay sangkot sa isang gawaing tawag natin ay " corruption"?

kung ang isang taong gobierno ay ipinagpalit ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang taong gobierno sa ilang pirasong pilak o ginto o sa pansariling kapakakanan at pinawalang bahala ang kanyang sinumpaang tungkulin, ito ay matatawag na CORRUPTION.

Bagamat marami uri ang CORRUPTION, ang mga gawaing ito ay iisa ang kalakaran. Mapupuna natin na sa lahat na gawaing ito, ang sinumpaang tungkulin ay ipinag-isang tabi upang mabigyan ng daan ang pansariling ninanais. Sa lahat na mga ito, ang kapakanang pambayan ay ibinasura at ang gawang tama ay iwinaksi!

Ang desisyon ng SET na pinangungunahan ni Sen. Angara at sinamahan nitong si Sen. Pangilinan na bigyan ng daan ang counter-protest ni Migs Zubiri laban kay koko Pimentel ay isang malinaw na CORRUPTION OF THE LAW at katampalasanan ng katotohanan. Pansariling kapakakanan at hinde ang KATOTOHANAN ang naghari.Walang prueba si Zubiri, ayon sa umiiral na alintuntunin ng SET, na naipakita niya sa SET na siya ay nadaya at sa gayon ay MAGTAPON MULI NG ORAS NA 3 TAON ANG SET upang suriin ang kanyang protesta. Tama si Justice Carpio sa kanyang dissenting opinion sa kasong ito bilang meimbro ng SET.

At dahil dito, ni ahas hinde na magtitiwala kay Senator Kiko Pangilinan. Harvard alumnus pa man ding maturigan pero para namang alang pinagaralan pagdating sa pagpili sa kapakang bayan o sa sariling ambisyon (maging presidente ng senado)! Hinde talaga maaring maging isang pinuno ang lalaking tago ng tago sa sa saya ng isang babae. Gatas ang kailangan ng mga ito o sinturon!

Kaya ang tanong ay ito:

BAKIT NAKAKARINDI ANG KATAHIMIKAN NG ILOG PASIG GAYON IBA NA NAMAN ANG NAKATIRA DIYAN? HINDE NAMAN KAYA DAHIL SI kIKO AY BFF NG ISANG TAO DIYAN SA ILOG PASIG?

Related Posts with Thumbnails