"In societies where Robbing Hoods are treated like a celebrity it is but natural to expect political parties to act like a Mafia syndicate" Political Jaywalker "In a nation where corruption is endemic people tend to confuse due process with aiding and abetting criminals" Political Jaywalker "War doesn't determine who is right, war determines who is left" Bertrand Russell "You have just one flash flood of money, you keep your people poor. It's like a time bomb and it's scary" Philippine Lawmaker

Fwd: Alleged arrogance, disrespectful conduct of LA-based Vice-Consul Chua

Note: Pex Aves, Los Angeles Bureau Chief of Pinas Newspaper -- Dioni

From: Pex Aves
To:
Sent: Tue, September 28, 2010 8:34:35 PM
Subject: DATELINE LOS ANGELES PEX A. AVES

Paging Consul General Mary Jo Aragon

September 23,2010 10:30 am tinawag ang inyong Dateliner nang kaibigan nating Editor nang Week-End Balita si Rhony Laigo,sabi nito pupunta daw kami sa Philippine Consulate at may Press Conference dahil dumating daw yung ibang grupo nung mga viktima nang human trafficking galing Mississippi.napag kasunduan namin mag meet kami sa Philippine Consulate at 11:00 am,so ganun na nga naglakad ako papuntang Consulate dahil malapit lang ang Consulate sa opisina ko.

11:15 am dumating tayo sa Consulate at nagtanong tayo sa mga tao duon kung saan ang Press Conference tungkol duon sa mga viktima nang human trafficking at iti nuro
tayo sa may room number 532, so tumuloy tayo sa room 532,katok ako nang katok wala namang nag bukas buti nalang after maybe 10 minutes may lumabas so pumasok
narin tayo.

Nang nasa loob na tayo wala namang tayong taong maka usap at kung may lalapitan ka hindi ka naman papansinin ni hindi ka man lang titingnan.

May isang kuarto hindi naman sarado lumapit tayo at sa may pintuan nagtanong tayo,...sabi ko Iha good morning puede bang magtanong? saan ba e-held yung Press Conference tungkol duon sa mga viktima nang human traficking?.....ang sagot nang medyo bata pa na medyo maliit na dalaga na muntik na akong bumulagta ay....(sa mataas na boses)...HINDI KO ALAM....sabi ko uli...Iha kasi dito ako itinuro na dito raw yung Press Conference....at sa mataas na boses pa rin sabi niya..... HINDI KO ALAM AT WALA AKONG PAKI ALAM.....sa boses na galit....kaya umurong nalang ako pero sinabi ko sa kanya hindi naman seguro dapat niyang ikaka galit ang pagtatanong ko...at sa salitang mataas pa rin at galit... sinabi niya...HINDI AKO GALIT..that was it.umupo nalang ako sa tabi na medyo malapit pa rin sa kanyang kuarto na salamin naman ang dingding kaya kita ko pa rin siya.

Ang malaking ipi -nagtataka ko yung mga empleado nang consulado na lumalapit sa kanya ay hindi naman siya galit at ang ganda ganda pa nang kanyang tawa at ngiti, pero napansin ko yung mga papasok ang greetings sa kanya ay Good Morning MAAM.bawat taong papasok ay Good Morning MAAM at napaka tamis nang mga ngiti niya.

May isang napa daan sa tapat ko tinanong ko kung sino ba yang medyo bata pa at mallit lang na dalaga at naka salamin, sabi nang empleado at pabulong pa na para bang takot na takot sa kanya, ...ay yan .... siya ang bagong Vice Consul si Charmaine Chua...

Aha kaya pala galit sa akin dahil hindi ako nag MAAM sa kanya kasi gusto daw ni Vice Consul Charmaine Chua MAAM ang salutation sa kanya...

Ay naku po Consul Charmaine Chua isang daan ka pang vice consul WALA AKONG PAKI ALAM SAYO at hinding hindi ka makaka demand nang RESPETO SA AKIN.you can earn my respect but believe me you cannot demand respect from me.eh kung si Imelda Marcos nuong panahon nang Martial law hindi ko ni respeto ikaw pa?

Pasalamat ka pa tinawag kitang iha, si Imelda Marcos nuon tinawag kung P---------A sa programa ko sa radyo tsaka seguro mas maigi bumalik ka sa grade school at mag aral ka nang GOOD MANNERS and RIGHT CONDUCT. at matuto kang gumalang sa nakaka tanda sayo, ang tanda tanda ko na para sigaw sigawan mo lang,eh kung yung pagsisigaw mo sa nakaka tanda sayo yan din ang gagawin nang mga tao sa mga parents mo? sa mga lolo at lola mo?sa mga tiyo at tiya mo?matutuwa ka kaya?

At tungkol naman sa kay Consul Aragon seguro madame mag lecture ka dyan sa mga tauhan mo sa Consulado eh mga walang galang sa mga pumapasok sa Consulate eh, para bang mga obrero ang trato nila sa mga filipino, di ba nila alam bilyon bilyon ang contribusyon nang mga filipino dito sa California sa gobierno nang bankarotang Pilipinas? at sila bay bingi or nag bingi bingihan lang nang sinabi ni Pres.Noynoy Aquino na tayong mga filipino ay ang kanyang BOSS? so kayong mga nasa baba nang hagdan nang bureaucracy eh di mga BOSS din ninyo kami?G

Isa pa madame consul Aragon seguro alam mo naman na ang Consulado dito sa Los Angeles ay ang pinaka bentana (window) nang ating bansang DUKHA.di ba dapat lang magagandang ASAL ang ipapakita nang mga tauhan mo dyan sa Consulado,kasi marami ring mga americano kumukuha nag Visa papuntang Pilipinas dyan eh,masamang mga BASTOS na mga empleado ang maka salamuha nila, baka SABIHIN PA NILA lahat tayong mga filipino ay BASTOS,WALANG MODO, MAL EDUKADO.


SALAMAT PO.

*********************************************************************************
Dionesio C. Grava - Part-time community journalist based in Los Angeles and editorial writer at Forum Asia.







Subscribe in a reader
Pedestrian Observer Group Blog
Click on the images to receive your free email updates
POGB will not sell, exchange, use or allow any 3rd party access to your email for
any other purposes without exception, email exclusively for article updates only.
Follow DG @ Facebook, NetworkedBlogs, & Twitter



2 Speak Out:

fidel_umaga said...

Send her to Philippine Consul General Office in NY and we will teach her the manners of a public servant.

Anyway, we will remember her name, so that should she pass this way, we will know how to respond to her.

fidel_umaga said...

Send her to Philippine Consul General Office in NY and we will teach her the manners of a public servant.

Anyway, we will remember her name, so that should she pass this way, we will know how to respond to her.

Related Posts with Thumbnails